^

Police Metro

Medical certificate bago makapasok sa Senate building

Gemma Garcia - Pang-masa
Medical certificate bago makapasok sa Senate building
Magsisimula ang polisiya sa Oktubre 1 kung saan lahat ng bisita, resource persons na pisikal na dadalo sa mga pagdinig ay dapat magsumite ng kanilang medical certificate o clearance na sila ay hindi nagtataglay ng nasabing virus.
STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ni Senate President Vicente Sotto III sa kanilang plenary session ang isang bagong polisiya na kaila­ngan munang magpakita ng medical certificate na negatibo sa COVID-19 ang sinumang indibiwal na magtutungo sa gusali ng Senado sa Pasay City.

Magsisimula ang polisiya sa Oktubre 1 kung saan lahat ng bisita, resource persons na pisikal na dadalo sa mga pagdinig ay dapat magsumite ng kanilang medical certificate o clearance na sila ay hindi nagtataglay ng nasabing virus.

Isusumite ang medical certificate sa Office of the Senate Sergeant at Arms, 24 oras bago sila magtungo sa senado.

Bukod dito, ang mga bisita din na pupunta doon ay dapat nakasuot din ng face shields bilang pagsunod na din sa ordinansa ng lokal na pamahalaan ng Pasay.

Nilinaw naman ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri na ang medical certificate ay dapat kasama na dito ang RT-PCR swab test para masiguro na COVID-19 free ang mga papasok sa Senado.

Sa kabuuan, mayroong 37 na kaso ng COVID-19 sa Senado kabilang dito ang mga empleyado, staff at ilang mga senador.

vuukle comment

COVID-19

VICENTE SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with