PNP susuyurin ang schools, barangays kontra NPA recruitment
Ayon kay Gen. Camilo Pancratius Cascolan, maglulunsad sila ng agresibong info drive para labanan ang propaganda ng NPA na nananamantala sa idealism at adventurism ng mga kabataan.
STAR/Andy G. Zapata Jr, file
PNP susuyurin ang schools, barangays kontra NPA recruitment
Doris Franche (Pang-masa) - September 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang kanyang mga police regional director na gumawa ng plano para sa information campain sa mga college student laban sa panghihikayat ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Cascolan, maglulunsad sila ng agresibong info drive para labanan ang propaganda ng NPA na nananamantala sa idealism at adventurism ng mga kabataan.

“We will be focusing on our information dissemination and education to all students with regard to what the PNP is doing. We are actually doing that on a quarterly basis,” ani Cascolan.

Palalakasin pa nila ang gagawing info drive na balak nilang paabutin hanggang sa Barangay level lalo na sa mga malalayong lugar, giit pa ng PNP Chief.

Sinabi naman kamakalawa ni Military chief of staff Gen. Gilbert Gapay na hindi pa rin natitigil ang panghihikayat ng NPA sa mga college student na kabilang sa mga organisasyon na sumali sa teroristang grupo.

Patunay na lang dito ang pagkakaaresto at pagkakapatay sa engkwen­tro ng mga NPA na sa huli ay natukoy na mga estud­yante pala ng mga kilalang unibersidad sa bansa.

NEW PEOPLE’S ARMY PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with