Magdyowa tiklo sa P13.6 milyong shabu
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang isang mag-live in partner sa drug buy-bust operation at nasamsam sa mga ito ang nasa P13.6 milyong halaga ng shabu sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Jonathan Condeza alyas Tantan, 41, at Maribel Salipot, 27, kapwa residente ng Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City.
Sa ulat, naaresto ang magdyowa,alas-10:15 ng gabi sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng QCPD-Talipapa Police Station (PS 3) at PDEA RO-NCR-SDO, sa Home Land Subdivision, Brgy. Tandang Sora at nakumpiskahan ng may dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,600,000, isang cellular phone at mga identification cards.
- Latest