^

Police Metro

Duterte sa health workers: Manatili muna sa bansa

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil kailangan pa sila ng pamahalaan upang labanan ang coronavirus di­sease (COVID-19) ay umapela si Pangulong Duterte sa mga health workers na manatili muna sa bansa. “Yung iba maghintay-hintay lang kayo sandali. Kina-calibrate lang natin yung paglabas ng mga… kasi kailangan din natin yung mga tao,” lahad ni Duterte.

Saad pa nito na naiintindihan niya na kailangan kumita ng pera ang mga ito kaya’t humihiling na alisin na ang deployment ban para sa health workers.

Nanawagan din ito sa health workers na hindi pa maaaring umalis atmanatili muna sa bansa hanggang sa matapos ang pandemya.

“Sana yung iba naman will have the spirit and the fervor to serve the Filipino people because we also need help and we have a crisis also to deal with,” aniya.

Matatandaang pinayagan na ng pamahalaan ang health workers na may kumpletong dokumento na umalis ng bansa.

vuukle comment

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with