^

Police Metro

Krimen bumaba ng 46.66% sa pandemya

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinalita ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na bumaba ng 46.66% ang crime volume sa bansa sa loob ng unang anim na buwan kung saan ang bansa ay isinailalim sa lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Taliwas ito sa pahayag ng mga makakaliwang grupo na tumaas ang bilang ng mga napapatay mula sa government anti-drug campaign sa panahon ng pandemya.

Nanindigan si Año na hindi kailanman naging polisiya ng pamahalaan at ng pulisya na lumabag sa karapatang pantao, higit na lalo aniya ang magsagawa ng extrajudicial killings.

Kinuwestiyon rin nito ang basehan at methodo­logy na ginamit ng Human Rights Watch, sa pahayag nito na tumaas ang anti-drug killings, gayung batid naman ng lahat na abalang-abala ang PNP sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19.

Upang patunayang mali ang alegasyon ng makakaliwang grupo, iniulat din ng kalihim na batay sa comparative data na 183 days bago at matapos ang community quarantine, lumilitaw na ang index crime volume ng bansa ay bumaba ng mula 31,589 sa pagitan ng Setyembre 15, 2019, hanggang Marso 16, 2020, ay naging 16,849 na lamang mula Marso 17 hanggang Setyembre 15.

Sa datos mula sa Phi­lippine National Police (PNP), lahat ng walong focus crimes ay pawang bumaba rin sa kahalintulad na panahon, kabilang dito ang carnapping ng motor cars (65.3%), robbery (61.36%), theft (60.04%), carnapping ng motor vehicles (60.3%), physical injury (37.35%), homicide (24.78%), rape (24.27%) at murder (21.22%).

Sa naturang bilang, ang theft o pagnanakaw ang nakapagtala ng pinakamataas na volume na nasa 10,489 habang ang carnapping of motor vehicles ay nakapagtala ng pinakamababang bilang na nasa 86.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with