^

Police Metro

Duterte:Term-sharing dapat masunod

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte:Term-sharing dapat masunod
Iyon nga lamang, wala namang magagawa si Pangulong Duterte kung walang makuhang numero at suporta si Velasco mula sa kapwa niya kongresista.
Presidential Photo/King Rodriguez

Walang magagawa kung walang makuhang suporta si Velasco…

MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na susundin nina House Speaker Alan Peter Ca­yetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang kanilang term-sharing agreement.

Iyon nga lamang, wala namang magagawa si Pangulong Duterte kung walang makuhang numero at suporta si Velasco mula sa kapwa niya kongresista.

“Ang sabi po niya, to quote talaga is, ‘kung walang numero si Lord Allan, wala siyang magagawa,’” pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Magugunita na bago ang pagsisimula ng 18th Congress ay inendorso ni Pangulong Duterte si Ca­yetano sa mga kongresista bilang kanyang manok sa speakership race.

Sa ilalim ng kasunduan na pinangunahan ni Pangulong Duterte, bibigyan ng 15 buwan para umupo bilang speaker si Cayetano at susundan naman ni Velasco hanggang sa matapos ang 18th Congress.

Ang isa pang nagnanais sana na maging Speaker na si Leyte Rep. Martin Romualdez ay sinabihan noong mga panahon na iyon na uupo bilang Majo­rity Floor Leader.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na mayorya ng mga kongresista ay nais na manatili sa posisyon si Cayetano.

Inakusahan naman ni Villafuerte si Velasco nang hindi pagiging aktibo sa mga House affairs. - Joy Cantos

vuukle comment

ALAN PETER CA­YETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with