Rapist killer ng 12-anyos sa Cavite, naaresto
Cristina Timbang (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto kahapon ng mga otoridad ang rapist killer ng 12-anyos na dalagita matapos ang mahigit sa dalawang linggong pagtatago sa Rosario, Cavite.

Ang suspek ay kinilalang si Erly Ebuel Arguelles, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Muzon, Rosario Cavite na nagpakalbo pa upang hindi makilala ng pulisya.

Magugunita na noong Setyembre 1, 2020 nang ma­diskubre ang bangkay ng biktimang si Louiza Hillera na nakatira sa Dreamland, Brgy. Muzon 2 ng nasabing bayan na nakasako habang nakabaon nang bahagya sa lupa at hinihinalang ginahasa bago pinatay.

Ayon sa ina ng biktima na si Chona Alano, bandang 6:30 ng gabi noong Agosto 30 nang huli nilang makitang buhay si Louiza na naliligo pa sa poso malapit sa kanilang bahay kasama ang mga kaibigan.

ARRESTED RAPIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with