Milyong Pinoy na nawalan ng trabaho dagsaan sa mga pawnshop
Joy Cantos (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang milyong Pinoy na nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic ang dumaragsa sa mga pawnshops para magsangla ng mga alahas at iba pang mga kagamitan upang sagipin sa pagkagutom ang kanilang mga pamilya.

Kaya nanawagan kahapon si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibaba ang singil sa interes ng mga pawnshop ngayong patuloy na dumaranas ang bansa ng krisis sa kalusugan.

Sinabi nito na ang pandemya at lockdowns na ipinatupad ng pamahalaan ay nagdulot ng pagkawala ng trabaho ng milyong mga Pilipino at buma­baling ang mga naghihirap na Pinoy dito dahilan sa higit na mababa ang interes sa mga pawnshop at konti lamang ang mga rekisitos kumpara sa mga bangko.

Pinuna ni Rodriguez na sa mga nakalipas na buwan ay mahaba ang pila ng mga nagsasangla ng mga alahas at iba pa sa mga pawnshop kung saan ang sitwasyon ay sinasamantala na  ng mga pawnshop na itinataas ang kanilang lending rates.

COVID-19 WORK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with