Bill na sasagip sa 100K pamilyang mapalayas sa ’di pagbabayad ng upa, isinulong
Joy Cantos (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinulong ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda ang House Bill 7665 o ang Rent Relief Act 2020 bilang tugon para masagip ang nasa 100,000 pamilyang hindi makabayad sa inuupahang bahay o apartment matapos na mawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.

“Batay sa aming pagsusuri, mga 3% ng mga bagong nawalan ng trabaho ay katumbas ng mga 83,000 pamilya ang na­nganganib na mapalayas sa kanilang tirahang inuupahan dahil hindi makabayad ng upa, sa kabila ng inilaang ayuda sa mga ito sa ilalim ng mga Bayanihang Act,” puna ng ekonomistang mambabatas.

Ayon kay Salceda, ang HB 7665, o panukalang ‘Rent Relief Act of 2020,’ ay nagtatalaga ng tatlong buwang ‘moratorium’ sa pagpapalayas upang magkaroon ng sapat na panahong makapag-usap at magkasundo ang mga nagpapaupa at umuupa sa makabuluhan saka patas na lunas sa naturang problemang pinansyal.

Inaatasan ng HB 7665 ang SSS (Social Security System), GSIS (Government Service Insurance System) at Pag-Ibig Fund na magbigay ng ‘refinan­cing loans’ sa kanilang mga kasapi sa kaunting patubong interes lamang at ang Land Bank at Development Bank of the Philippines na magbigay ng ‘refinancing loans’ na may interes na hindi tataas sa pinakamababang bigay nila.

Sa ilalim ng ‘refinan­cing’ sa upa, babayaran ng bangko ang halaga ng upa sa takdang bilang ng buwan at bibigyan ang nangu­ngutang ng higit na mahabang panahon para bayaran ito.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with