^

Police Metro

Ilang lugar posibleng ilagay sa ‘new normal’ sa Oktubre

Malou Escudero - Pang-masa
Ilang lugar posibleng ilagay sa �new normal� sa Oktubre
Halos lahat ng lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng MGCQ hanggang sa katapusan ng buwan samantalang nananatili sa general community qua­rantine (GCQ) ang Metro Manila.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na magkakaroon ng bagong klasipikasyon sa Oktubre at posibleng ilagay sa “new normal” ang ilang lugar sa bansa na wala ng kaso ng COVID-19.

“There will be areas na mayroong zero transmission in the past month na puwede nang ideklara as under the regime of new normal,” ani Roque.

Sa ngayon, ang modified general community quarantine (MGCQ) ang pinakamaluwag na uri ng quarantine sa bansa.

Halos lahat ng lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng MGCQ hanggang sa katapusan ng buwan samantalang nananatili sa general community qua­rantine (GCQ) ang Metro Manila.

Inaasahang mag-aanunsiyo si Pangulong Rodrigo Duterte nang pagbabago sa klasipikasyon ng quarantine bago magsimula ang Oktubre.

Matatandaan na dati’y idinedeklara ang pagbabago sa community qua­rantine tuwing ikalawang linggo pero nitong huli ay pinalawig ito at ginawang isang buwan.

vuukle comment

COVID-19

NEW NORMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with