Manila Bay white sand pinababakuran
Ang kahilingang ito ni Mayor Isko Moreno ay makaraang dagsain ng mga tao ang Roxas Boulevard nitong weekend upang personal na masaksihan ang ganda ng nasabing lugar na malapit sa US Embassy.
STAR/Miguel de Guzman, file
Manila Bay white sand pinababakuran
Ludy Bermudo (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

Health protocols ‘di nasunod ng publiko…

MANILA, Philippines — Hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno Do­ma­goso sa pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pansamantalang lagyan muna ng bakod ang Manila Bay white sand lalo na at may kons­truksyon pang ginagawa roon upang hindi muna ito dayuhin ng mga tao.

Ang kahilingang ito ni Moreno ay makaraang dagsain ng mga tao ang Roxas Boulevard nitong weekend upang personal na masaksihan ang ganda ng nasabing lugar na malapit sa US Embassy.

Muling pinaalalahanan ni Domagoso ang publiko partikular na ang mga Manilenyo na may panganib pa rin at may pandemya na dulot ng COVID-19 ang lungsod ng Maynila.

Nakiusap ang alkalde sa publiko na kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa Manila Bay “white sand” na hindi na nasunod ang social distancing at iba pang health protocols kaya’t sinibak ang Station Commander ng Manila Police District-Station 5 na nakasasakop sa nasabing lugar.

Ayon kay Domagoso, alam nito na maraming nasisiyahan at nagagalak sa nangyari sa Manila Bay kung saan ang imposible ay naging posible.

Matatandaan na ilang administrasyon na ang nagdaan at tanging ang administrasyon lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng pansin sa paglilinis at pagbabalik ng ganda ng Manila Bay sa tulong na rin DENR sa pamumuno ni Sec. Roy Cimatu.

Pinakiusapan ni Do­magoso ang publiko na kung maaari ay sa ibang panahon na lamang nila personal na bisitahin ang Manila Bay upang makaiwas sa nararanasan nating pandemya.

Samantala, sinabi ni Philippine National Police chief General Camilo Cascolan, hindi dapat na sisihin ang pulis dahil  may pagkakasala rin ang mga taong dumagsa.

Anya, mahirap naman kung sa pulis lang isisi ang pagdagsa ng mga tao kung saan hindi nasunod ang social distancing.

Dapat na naging res­ponsable ang publiko dahil nananatili ang banta  COVID-19.

Kahapon ay muling isinara sa publiko ang tinaguriang Manila white sand matapos itong pansamantalang buksan sa publiko nitong weekend na naging malaking usapin ang nangyari kung saan nagkumpulan ang mga tao na nais magpa-picture sa lugar. - Doris Franche

DENR MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with