Mga anomalya sa mga ahensya direktang ipinararating kay Yap
Doris Franche (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Direktang natatanggap ni ACT-CIS Congressman at House Appropriations Chairman Eric Yap ang mga natatanggap niyang sumbong sa publiko na ipinaparating sa kanyang cellphone tungkol sa mga anomalya sa ilang tanggapan ng pamahalaan.

Paliwanag ni Cong. Yap na may boses na ngayon ang taong bayan para isumbong at ipara­ting ang impormasyon na nagaganap na katiwalian sa isang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Yap, binabasa niya sa harap ng mga opisyal ng ahensya na nagre-request ng budget sa kanyang komite ang hindi magandang nangyayari sa kanilang mga tanggapan.

“Minsan ang mga empleyado na rin ang nagsasabi sa pamamagitan ng text, viber, email, o facebook na wag taasan ang budget ng kanilang ahensya dahil winawaldas lang naman daw ng mga bossing,” ayon kay Yap.

“Sa kanila ko rin nalalaman ang mga ano­malya na nangyayari at pinapasagot ko ang mga opisyal sa harapan ko,” dagdag pa ng kongresista.

Kabilang sa mga reklamo ay mababang sahod at kakulangan sa gamit ng isang opisina ng pamahalaan sa kabila na may sapat namang budget na inilaan ng pamahalaan.

Babala ni Yap sa mga opisyal ng ahensya na ayusin ang kanilang mga trabaho dahil madali ng naipaparating sa kanya ang mga sumbong ng taong bayan sa pamamagitan lang ng text, email at social media.

ERIC YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with