2 Pinoy na nasagip sa lumubog na barko sa Japan nakauwi na
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na ng Pilipinas ang dalawang Filipino na nasagip sa lumubog na barko sa Japan.

Kinilala ang mga nasagip na sina Chief Officer Eduardo Sareno at A/B Jay-Nel Rosales.

Nasagip si Sereno nitong Setyembre 3 habang si Rosales naman ay nasagip nitong Setyembre 6.

Kinailangan pang sumailalim sa medical check-up at isang linggong hotel quarantine ang dalawa at kailangan pang maghintay ng resulta ng kanilang COVID-19 swab tests bago payagang makauwi sa kani-kanilang probinsya.

Matatandaang lumubog ang barkong Gulf Livestock 1 bunsod ng bagyong Maysak sa karagatan ng Japan na naglululan ng 6,000 baka at 43 nitong tripulante; 39 dito ay mga Filipino, dalawang Australian. At dalawang New Zealander.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with