Military jeep nahulog sa bangin: 2 todas
Doris Franche (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang dalawang katao habang apat na iba pa ang nasugatan matapos ang kanilang sinasakyang military jeep ay nahulog sa bangin nang banggain umano sila ng kasalubong na Ford Ranger sa kalsada na sakop ng Brgy. Camanga, Dumalinao, Zamboanga del Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Aiza Mag­huyop, 22, at Rodel Omania 25, habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang apat na iba kabilang ang driver ng jeep.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Alfredo Tagala Jr. 26, residente sa bayan ng Buug ng naturang probinsya.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng otoridad, gabi ng Setyembre 19 ay sakay ang mga biktima ng military jeep at binabaybay ang nasabing kalsada patungo sa bayan ng Margosatubig para maghatid ng pasyente nang mabangga sila ng Ford Ranger na minamaneho ni Tagala.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng military jeep at nahulog  ito sa bangin na may 2-metro ang lalim.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang mga biktima subalit, idineklarang dead-on-arrival sina Maghuyop at Omania.

Kasong reckless im­prudence resulting to multiple homicide, multiple physical injury at damage property ang isinampa laban sa suspek.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with