Obrero inaresto sa âsextortionâ
Ang naarestong suspek ay kinilalang si Boyet Rondina, obrero, pansamantalang nanunuluyan sa High Infinity One sa Oscariz Street, Quiapo, Maynila.
STAR/File
Obrero inaresto sa ‘sextortion’
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang entrapment operation sa Quiapo, Maynila ang isang 23-anyos na lalaki makaraang pagbantaan ang isang babae na ikakalat sa internet ang kaniyang mga hubad na larawan at video.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Boyet Rondina, obrero, pansamantalang nanunuluyan sa High Infinity One sa Oscariz Street, Quiapo, Maynila.

Sa ulat ng Sta. Cruz Police Station 3, nakipag-ugnayan sa kanila ang mga tauhan ng PNP Region 4A ukol sa pagbabanta ng suspek sa biktimang si Lyzl Mira Buenos, 36, ng Brgy. Tibag, Calamba City.

Ayon sa biktima, pinagbantaan siya ng suspek na ikakalat sa social media ang kaniyang mga hubad na larawan at video kung hindi makikipagkita sa kaniya at makikipagtalik.

Dito ikinasa ng mga pulis ang entrapment operation kung saan nakipagkita si Buenos sa suspek sa isang fastfood restaurant sa may Quinta Market dakong alas-12:00 ng tanghali.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act) at Article 286 ng Revised Penal Code (Grave Coercion).

SEXTORTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with