P1.1 milyong marijuana na nakatago sa coffee packs, nasabat ng BOC
Sa pagsusuri ng Customs Examiner, hindi aniya pangkarinawan ang amoy ng mga nasabing kape kaya’t binuksan nito ang tatlong pakete ng coffee beans at nadiskubre ang tatlong selyadong pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon na hinihinalang Kush marijuana.
STAR/Miguel De Guzman, file
P1.1 milyong marijuana na nakatago sa coffee packs, nasabat ng BOC
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P1.1 milyon halaga ng nasa 980 gramo ng Kush marijuana na nakatago sa ipinadalang pakete ng mga imported na kape sa bansa ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark.

Ayon sa BOC, duma­ting sa bansa ang nasabing kargamento nitong Setyembre 8, 2020 mula sa California, USA kung saan idineklara itong “Coffee T-shirt Bookbag”.

Dumaan ang nasabing kargamento sa x-ray examination at nakakita ng mga kahina-hinalang imahe kaya’t isinailalim ito sa physical examination.

Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre na naglalaman ang nasabing kargamento ng tatlong t-shirts, isang libro, at tatlong pack ng “coffee beans”.

Sa pagsusuri ng Customs Examiner, hindi aniya pangkarinawan ang amoy ng mga nasabing kape kaya’t binuksan nito ang tatlong pakete ng coffee beans at nadiskubre ang tatlong selyadong pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon na hinihinalang Kush marijuana.

Inisyuhan ni District Collector Atty. Ruby Ala­meda ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing kargamento dahil sa paglabag nito sa Sections 118 (g), 119 (d) at 1113 (f), (i) & (l) ng R.A. No. 10863 o mas kilala na “Customs Mo­dernization and Tariff Act (CMTA)” na may kaugnayan sa R.A. No. 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with