Pulis napatay ng mga holdaper
Ang nasawing pulis ay kinilalang si P/EMS Roel Candido, may-asawa, nakatalaga sa Meisic Police Station 11 ng Manila Police District at nakatira sa Benita Street, Gagala­ngin, Tondo, Maynila.
STAR/File
Pulis napatay ng mga holdaper
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

Rumesponde sa holdapan…

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang pulis matapos mabaril nang rumesponde sa panghoholdap ng tatlong lalaki sa tatlong sakay ng isang kotse sa Sta.Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing pulis ay kinilalang si P/EMS Roel Candido, may-asawa, nakatalaga sa Meisic Police Station 11 ng Manila Police District at nakatira sa Benita Street, Gagala­ngin, Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago naganap ang barilan, alas-5:40 ng hapon sa kahabaan ng Florentino Flores Street, Sta. Cruz ay sakay ng kotse ang may-ari ng jewelry shop na si Ca­therine King, 43-anyos; sales lady nitong si Vibsia Caneta, 20, dalaga at ang driver niyang si Sulficio Pisngot, 63 nang biglang humarang sa kanilang daanan ang pulang Mirage na kotse.

Dito lumabas ang tatlong lalaki na agad na pinaulanan ng bala ang sasakyan ng tatlo na kung saan nagkataong napadaan ang pulis na si Candido sakay ng kaniyang scooter at nakita ang pangyayari.

Agad itong rumes­ponde at nang akmang bubunot ng kanyang baril ay inunahan siyang pagbabarilin ng tatlong suspek na agad nitong ikinasawi.

Pagbagsak ni Candido ay lumapit ang isang suspek na nakasuot ng fatigue jacket at kinuha ang baril.

Tinangay rin ng mga salarin ang tatlong bag sa loob ng kotse ng mga biktima na naglalaman ng perang kinita ng jewelry shop, cellular phones at personal na mga gamit saka tumakas patungo sa direksyon ng Soler Street.

Habang ang tatlong sakay ng kotse ay isinugod sa isang pagamutan matapos magtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan.

HOLDAPER PATAY PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with