^

Police Metro

Rooftop bar sa Makati ni-raid: Diplomat, 33 pa arestado

Ludy Bermudo - Pang-masa

Sa paglabag sa quarantine protocols

MANILA, Philippines — Nasa 34 katao kabilang ang isang German diplomat ang dinakip matapos na salakayin ng mga operatiba ng Makati Police ang isang rooftop bar dahil sa mga paglabag sa umiiral na health protocols sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Makati Police Station-Substation 6, sa pangunguna ni P/Captain Judge Rowe Donato, dakong alas-10:00 ng gabi nang lusubin nila ang Kartel Rooftop Bar na matatagpuan sa ika-4 na palapag ng  Building 5921, sa Algier St., Barangay Poblacion, Makati City dahil sa paglabag sa Makati City Ordinance 2020-76 o Extended Curfew Hour, Social Distan­cing, (in relation to Gene­ral Community Quarantine (GCQ).

Sa ulat, nag-iinuman ang mga kustomer na kinabibilangan ng diplomat na si George Maue, German national nang walang physical distan­cing at iba pang paglabag.

Nasa 33 pang indibidwal na kinabibilangan ng tatlong Korean, tatlo pang Deutsch (German) nationals, isang American, isang Kazakhstan at 25 Pinoy ang dinakip din sa lugar.

Sa police station, ang lahat ay inisyuhan ng Ordinance Violation Receipts kaugnay sa kanilang mga paglabag at ala-1:00 ng madaling araw ay isa-isa silang pinalaya.

vuukle comment

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with