^

Police Metro

Mag-asawang ‘tulak’ tiklo sa higit P2 milyong shabu

Joy Cantos - Pang-masa
Mag-asawang �tulak� tiklo sa higit P2 milyong shabu
Kinilala ni Northern Police District (NPD) director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga nasakoteng suspect na sina Saad Beraur, 35-anyos at misis nitong si Emma, 33; pawang residente ng Brgy. 188, Tala, Caloocan City. Sila ay inaresto sa aktong nagbebenta ng P32,000 na halaga ng shabu sa isang undercover agent ng pulisya sa kahabaan ng Camaro Street, Brgy. 175 ng nasabing lungsod.
STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Arestado ang isang mag-asawa na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos na masamsaman ng mahigit P2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga nasakoteng suspect na sina Saad Beraur, 35-anyos at misis nitong si Emma, 33; pawang residente ng Brgy. 188, Tala, Caloocan City. Sila ay inaresto sa aktong nagbebenta ng P32,000 na halaga ng shabu sa isang undercover agent ng pulisya sa kahabaan ng Camaro Street, Brgy. 175 ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Ylagan, ang anak na lalaking menor-de-edad ng mag-asawa na kasama nila sa Toyota Hi Ace van (NAX-1789) habang nagsasagawa ng transaksyon ay na-rescue ng mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) matapos na maaresto ang kanyang mga magulang.

Ang SDEU operatives na pinamumunuan nina P/Captain Joel Guimpatan at Captain Deo Cabildo ay nakumpiska sa mag-asawang suspect ang isang medium size na transparent plastic sachets at apat na medium knot-tied ice plastic bags na naglalaman ng 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,720,000, P32,000 marked money, 31 piraso ng boodle money at ang Hi-Ace van na gamit nila sa illegal na aktibidades. Nakuha rin ang isang timbangan, cellular phone, tatlong Automated Teller Machine (ATM) cards at dalawang bank passbooks.

Inihayag naman ni Caloocan City Police chief P/Col. Dario Menor na ang mag-asawa ay kapwa nasa brgy. drug watchlist at responsable sa pagpapakalat ng illegal na droga sa North Caloocan.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with