^

Police Metro

Marshals, pulis ipakakalat sa mga sementeryo

Angie dela Cruz - Pang-masa
Marshals, pulis ipakakalat sa mga sementeryo
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council (MMC), maglalagay ng security personnel at marshals sa mga sementeryo upang tulungan ang mga pulis na maipatupad ang health protocols dito dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic.
STAR/Boy Santos, file

Guidelines sa health protocols pinaplantsa na ng Metro Manila mayors

MANILA, Philippines — Magpapakalat ng mga marshals at pulis sa mga sementeryo upang magpatupad ng mga guidelines at health protocols para sa mga taong nagnanais na bumisita nang maaga sa mga sementeryo mula sa itinakdang mga araw sa panahon ng Undas.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng  Metro Manila Council (MMC), maglalagay ng security personnel at marshals  sa mga sementeryo upang tulungan ang mga pulis na maipatupad ang health protocols dito dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic.

“Magkakaroon tayo ng marshal kasama ang ating PNP para ipatutupad ang physical distancing at hindi po magkaroon ng gathe­rings, doon po sa semen­teryo prior sa pagko-close ng ating sementeryo,” pahayag ni  Olivarez.

Ang mga bisita sa mga sementeryo ay inaabisuhan na ipatupad ang 30-percent capacity dito na itinakda ng pamahalaan.

Sinabi ni Olivares na inaayos na ng Metro Manila mayors ang ipatutupad na guidelines o panuntunan para sa mga dadalaw sa mga sementeryo bago ang itinakdang pagsasara ng lahat ng memorial parks at columbariums sa buong bansa sa panahon ng Undas mula Oktubre 29 hanggang Nob.  4.

Una nang inanunsyo ng Malacañang na sarado sa publiko ang lahat ng sementeryo at columba­riums sa buong bansa mula Oct 29-Nov 4 sa panahon ng Undas ngayong may pandemic pa. - Ludy Bermudo, Malou Escudero

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with