^

Police Metro

Rep. Romero nasa top 50 sa Forbes magazine

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasama sa listahan ng Forbes magazine sa top 50 si House Deputy Speaker at 1 PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero  na pinakamayamang mambabatas sa Kamara na ang net worth ay $135-M o P6.5 bilyon.

Ang Forbes magazine ang naglalathala ng mga bilyonaryong personalidad sa buong mundo at maging sa ranking sa kani-kanilang mga bansa.

Ang pagiging prominente ni Romero sa mga pinakamayang perso­nalidad ay hindi na bago simula noong pumasok ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noong 2016.

Si Romero ay nakapaghain ng 700 panukalang batas sa Kongreso simula nang maging kongresista noong 2016 kung saan 47 dito ay  naging batas.

Kabilang dito ay pagpapalawig sa drivers license ng limang taon, Free Irrigation Act, Philippine Sports Training Act, PhilHealth coverage sa lahat ng may mga kapansanan at panghuli ay ang Bayanihan To Heal As One o Bayanihan 1 at Bayanihan to Recover As One o Bayanihan II upang matulungan ang mga Pinoy sa matin­ding epekto ng COVID-19 pandemic.

vuukle comment

MIKEE ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with