21 bagon sa MRT-3, pinakamataas na sa 20 taon
Mer Layson (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naitala sa unang pagkakataon sa loob ng 20-taon ay nakapag-deploy na rin ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng record high na 21 train sets sa kanilang mainline, na pinakamataas na bilang ng running trains na napabiyahe nito sa isang araw.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dahil sa marami silang tren na napabiyahe sa kanilang linya ay napaikli rin nila ang ‘waiting time interval’ o tagal nang paghihintay ng tren ng mga pasahero, at mas tumaas pa ang kanilang passenger capacity.

Sinabi ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati, ang naturang kaganapan ay produkto ng koloborasyon sa pagitan ng MRT-3 at ng Department of Transportation (DOTr).

Nabatid na sa loob lamang ng dalawang araw, nalampasan ng MRT-3 ang bumibiyahe at operational nilang 20 train sets na naitala noong Setyembre 14.

Karaniwan nang nakapagpabiyahe lamang ang MRT-3 sa mainline ng average na hanggang 15 train sets sa isang araw.

Iniulat rin naman ng MRT-3 na hindi sila nakapagtala ng anumang unloading incident o mga aberya sa nakalipas na tatlong buwan, o simula nang magbalik ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon noong Hunyo 1, sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), at habang nasa limited capacity lamang sila.

Matatandaang isinasailalim ngayon sa massive rehabilitation at maintenance works ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy na mula sa Japan ang MRT-3.

MRT-3
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with