Mga taga-Metro Manila na pupuntang Tagaytay kailangan ng travel pass
Suportado ng Malacañang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guil­lermo Eleazar na iginiit na kailangan ang travel autho­rity matapos ihayag ng Tagaytay City go­vernment na hindi na ito requirement.
STAR/File
Mga taga-Metro Manila na pupuntang Tagaytay kailangan ng travel pass
Malou Escudero (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Malacañang ang mga residente ng Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa Philippine National Police kung pupunta ng Tagaytay City na itinuturing na top tourist destination sa Cavite province.

Suportado ng Malacañang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guil­lermo Eleazar na iginiit na kailangan ang travel autho­rity matapos ihayag ng Tagaytay City go­vernment na hindi na ito  requirement.

Ang Metro Manila ay kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) habang ang Cavite ay nasa ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ).

“Mga taga-Metro Manila na nais pumunta ng Tagaytay, kinakailangan n’yo pong kumuha ng travel pass at bago kayo mabigyan ng travel pass ng PNP, kinakailangan magprisinta po kayo ng medical certificate,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, unti-unti nang nagsisibalikan ang mga turista sa Tagaytay City matapos ianunsyo ng city government na tumatanggap silang muli ng mga bisita magmula nang isailalim ang lungsod sa modified general quarantine noong September 1.

Aniya, mayroon pa ring mga checkpoints sa entry at exit points ng lungsod subalit hindi oobligahin ang mga bisita na magprisinta ng travel pass. Ang kailangan lang ay mag-fill-up ng health declaration form.

Ang mga pribadong sasakyan ay papayagang maglabas-masok sa Tagaytay kung sinusunod ng mga pasahero nito ang physical distancing.

Inaasahan na sa muling pagbubukas ng pinto ng Tagaytay para sa mga turista ay makababawi na ang city government at mga negosyanteng nawalan ng kita dahil sa pandemya.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with