Motor sumalpok sa poste: Rider dedo
Mer Layson (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki matapos na sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang poste sa Novaliches, Quezon City kamakalawa ng hatinggabi.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng biktima na binawian ng buhay matapos na tumilapon at sumalpok ang ulo sa poste na nasa tabi ng kalsada.

Ayon kay Wilson Araño, safety officer ng Brgy. San Bartolome, mag-aalas-12:00 ng hatinggabi nang maganap ang aksidente sa Quirino Highway sa Novaliches.

Posible umanong nawalan ng preno ang rider kaya’t sinalpok ang isang poste sa nasabing kalsada.

Sa lakas ng impact ng aksidente, tumilapon pa ang hindi pa nakikilalang rider at tumama ang kanyang ulo sa poste.

Nabatid na nakasuot naman ng helmet ang rider ngunit nagtamo pa rin siya ng matinding pinsala sa ulo.

Ayon sa mga saksi, ma­dulas ang kalsada dahil sa ulan at mabilis umano ang takbo ng rider na maaaring dahilan kung bakit nawalan ito ng kontrol sa motorsiklo.

AKSIDENTE MOTORSIKLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with