Pulis utas, 1 pa sugatan sa baril ng kabaro
Doris Franche (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang pulis habang malubhang nasugatan ang kasamahan nito matapos aksidenteng pumutok ang baril ng kanilang kabaro sa loob ng kanilang opisina sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay nakila­lang si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakatalaga sa DMFB-Forward Base habang nasugatan si Pat. Jhomel Blas, 26 ng C-5 Road, Brgy. Ususan, Ta­guig City. Habang sumuko si Pat. Mark Jim Prado, 28 na kakasuhan ng homicide at serious physical injury.

Sa ulat, alas-8:45 ng umaga ay nagsasagawa si Prado ng dry-fire gamit ang kanyang baril nang ito ay pumutok at tumagos ang bala sa dingding na kahoy at tinamaan si Pacanor sa likod at tumagos ang slug sa harap ng kanyang katawan habang si Blas ay nahagip naman sa ibabang bahagi ng kaliwang tainga.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with