Electrician, timbog sa P6.8 milyon halaga ng shabu
Mer Layson (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Cubao, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Jayson Legaspi, nasa hustong gulang, electrician, at residente ng naturang lungsod.

Sa ulat, bago naaresto ang suspek, alas-11:00 ng gabi sa EDSA, Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City ay nakatanggap ng tip ang PDEA hinggil sa illegal na aktibidad ng suspek na may limang ulit na umanong nagdeliber ng illegal na droga.

Kaagad na nagkasa ng operasyon, na nagresulta sa pagkakadakip nito at nakumpiska ang may isang kilong shabu, na may street value na P6.8 milyon.

Karaniwan pa uma­nong parokyano ng suspek ay mga tricycle driver sa nasabing lugar.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with