Kolehiyo na nagdaos ng face-to-face classes pinagpapaliwanag ng CHED
MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag na ng Commission on Higher Education (CHED) ang Isabela Colleges Incorporated makaraan ang pagsasagawa nito ng face-to-face class.
Sa ulat, napag-alaman ng CHED na may isang estudyante ng paaralan ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nang dumalo sa isinagawang class orientation sa nasabing paaralan.
Lumabas din sa validation ng CHED na noong ika-29 ng Agosto ay nagdaraos na ang paaralan ng orientations.
Binigyan naman ng 10 araw ang Isabela Colleges batay sa inisyung show-cause order ng CHED.
- Latest