Joy Belmonte namahagi ng 176K tablets para sa HS studes
Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng 176,000 units ng Samsung Tablets para sa mga mag-aaral sa high school para sa kanilang online learning dahil sa Covid-19.
Boy Santos
Joy Belmonte namahagi ng 176K tablets para sa HS studes
Angie dela Cruz (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinamahagi kahapon ni QC Mayor Joy Belmonte ang 176,000 Samsung tablets sa QC School Division Office para magamit ng  public junior at senior high school sa kanilang pag aaral ngayong pandemic.

“We are very happy to be partnering with Samsung, one of the leading global brands when it comes to cutting-edge gadgets and technology. We are confident that the gadgets and techno­logy they have supplied to us are of good qua­lity Only the best for our QC students,”pahayag ni Mayor Belmonte.

Ayon kay Belmonte, ang QC government ay naglaan ng P2.9 bilyon para sa Special Education fund programs na layong matiyak ang patuloy na edukasyon ng mga mag- aaral sa QC.

Naglaan din anya ang lokal na pamahalaanng internet connectivity sa lahat ng 159 elementary at secondary public schools at ang 14,000 pubic school teachers ay  tatanggap ng P1K load para sa data na gagamitin sa pagtawag at text kada buwan para matiyak ang patuloy na contact sa kapwa mga guro, mag-aaral, magulang at kanilang guardians.

Sinabi rin ni Belmonte na patuloy na maglalaan ang lokal na pamahalaan ng pondo para sa monthly supplemental allowance na P1,500 para sa lahat ng guro at nasa proseso na ang lokal na pamahalaan na makabili ng 3,210 laptops para sa mga paaralan para magamit ng mga instructors para matulu­ngan sila sa paghahanda sa kanilang modules at klase.

Anya upang suporta­han ang modular learning, ang 159 public schools sa QC ay tatanggap ng duplicating machines at reproduction supplies  na request sa kanya ng mga school principals.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with