Senado gagamitin ang âpower of the purseâ vs katiwalian sa PhilHealth
Ginawa ito ni Sotto dahil sa hindi kasama ang mga pangalan ng inirekomendang sasampahan ng kaso ng ilang ahensiya kabilang dito ang National Bureau of Investigation (NBI).
STAR/File
Senado gagamitin ang ‘power of the purse’ vs katiwalian sa PhilHealth
Gemma Garcia (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y kabiguang kilalanin ang rekomendasyon ng Senado na kasuhan ang mga sangkot sa umano’y katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp.(PhilHealth) ay nagbanta si Senate President Vicente Sotto III na gagamitin ang kanilang “power of the purse” sa mga ahensiya ng gobyerno.

Babala ni Sotto, kapag binalewala ng ilang ahensiya ang Senate report ay babale­walain din nila ang budget ng mga ito para sa susunod na taon.

Ginawa ito ni Sotto dahil sa hindi kasama ang mga pangalan ng inirekomendang sasampahan ng kaso ng ilang ahensiya kabilang dito ang National Bureau of Investigation (NBI).

Anya, mahigpit nilang bubusisiin ang mga budget ng mga ahensya ng gobyerno para sa 2021 dahil ito lang ang natitira nilang kapangyarihan kapag hindi iginalang ang senate report nila tungkol sa anomalya sa PhilHealth.

Bagama’t binigyan naman ng kopya ng senado ang Department of Justice  Inter-agency task force ng kanilang findings ay hindi nito inirekomendang kasuhan si Health Secretary Francisco Duque na ex-official chairman ng PhilHealth board dahil hindi umano ito voting chairman.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with