âVirtual Banking Actâ suportado ng BSP
Sa pinadalang liham kay Salceda ay sinabi ni BSP Gov. Benjamin E. Diokno na pabor sila sa HB 5913, at ang “pagkakaroon ng ‘regulatory framework’ para sa mga ‘digital banks’ ay magsusulong ng isang patas na kumpetisyon ng mga ‘digital banks’ at kasalukuyang mga bangko, bukod sa maiiwasan ang ‘regulatory arbitrage’” nila.
File
‘Virtual Banking Act’ suportado ng BSP
Joy Cantos (Pang-masa) - September 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa naglalayong magtatag ng hiwalay na ‘regulatory and industry development regime’ para sa mga bangkong ‘virtual-only’ sa bansa ay sinuportahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang panukalang ‘Virtual Banking Act’ (HB 5913) ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee.

Sa pinadalang liham kay Salceda ay sinabi ni BSP Gov. Benjamin E. Diokno na pabor sila sa HB 5913, at ang “pagkakaroon ng ‘regulatory framework’ para sa mga ‘digital banks’ ay magsusulong ng isang patas na kumpetisyon ng mga ‘digital banks’ at kasalukuyang mga bangko, bukod sa maiiwasan ang ‘regulatory arbitrage’” nila.

 Sa ilalim ng HB 5913 na naunang inindorso ng Cebu Bankers Club, ang ‘virtual-only banks’ ay magiging isang uri ng bangko na hihikayat upang magsulong ng mga pananalaping inisyatibo para sa kanilang pag-unlad.

Malinaw na inilalatag ng HB 5913 ang mga ‘mi­nimum macro-prudential standards’ para sa mga ‘virtual-only banks’ at binubuksan ang sektor’ sa dayuhang mga ‘investors’ na aambag sa sapat na pamumuhunan nito at aakit sa mga kaalaman sa ‘financial technology (fintech)’ na likha sa ibang bansa.

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS (BSP)
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with