P4.5 bilyong intel, confidential funds ni Duterte bubusisiin
Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na masyadong malaki ang hinihingi lalo na’t ilalaan lamang ito sa isang ahensiya at mas kailangan ng bansa ang maraming pondo upang tugunan ang coronavirus 2019 (COVID-19) pandemic.
STAR/Mong Pintolo, file
P4.5 bilyong intel, confidential funds ni Duterte bubusisiin
Gemma Garcia (Pang-masa) - September 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na kanyang hihimayin nang todo ang hinihinging P4.5 bilyong intelligence at confidential funds ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Office of the President (OP) para sa 2021 national budget.

Sinabi ni Lacson na masyadong malaki ang hinihingi lalo na’t ilalaan lamang ito sa isang ahensiya at mas kailangan ng bansa ang maraming pondo upang tugunan ang coronavirus 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon pa sa Senador, ang confidential at intelligence funds sa ilalim ng Office of the President ay nagsimula lamang sa P700 milyon sa mga nakaraang administrasyon,subalit inabot na ito ng bilyong piso nang maglaon.

Paliwanag pa ni Lacson, nais niya na pag-aralang mabuti ang panukalang budget para sa 2021 dahil umakyat na sa P9.16 trillion ang utang ng bansa at masiguro kung saan mapupunta ang pondo ng bayan lalo ngayon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

NATIONAL BUDGET PANFILO LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with