^

Police Metro

Special search ops ng Japan sa 36 missing Pinoy seamen, ibinaba

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula sa dating “special search operations” ang paghahanap sa nawawalang 36 na Pilipinong mandaragat na sakay ng lumubog na barko noong nakaraang linggo sa karagatang sakop ng Japan ay ibinaba na ng  Japanese Coast Guard sa “normal search operations”.

Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pansamantalang itinigil ang “search ope­rations” ngunit ibinalik na nitong Martes pero inilagay na lamang sa “normal search”.

“[J]ust this afternoon, nakatanggap ako ng report from our labor [office] in Osaka, Japan na hininto na raw ‘yung [special] rescue operations. Hindi naman ini-stop. Ibig sabihin, wala nang special operations. Hindi kagaya kasi dati,” paliwanag ni Bello.

Sa ilalim ng “special search operations”, tatlong barko, apat na eroplano at dalawang drivers ang pinakikilos sa paghahanap sa mga mandaragat na sakay ng lumubog na “cattle ship” na Gulf Livestock 1.

“Ngayon, hininto na ‘yun. ‘Yung normal na lang daw na operation ang ginagawa nila,” ayon kay Bello.

Nagmula sa New Zealand ang Gulf Livestock 1 at patungo sa China para ihatid ang mga kargang baka nang makasagupa ng malakas na hangin at malalaking alon dulot ng Typhoon Maysak.

Sa 43 tripulante, tatlong Filipino ang natagpuan at isa ay wala nang buhay.

MISSING

SEAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with