Lalaking nakaupo binaril, dedo
Kitang-kita sa CCTV ng barangay hall ang pagbaril ng gunman sa isang lalaking nakaupo kahapon sa kahabaan ng Railroad St., Port Area Manila.
Edd Gumban
Lalaking nakaupo binaril, dedo
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang hindi pa nakikila­lang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi pa rin natutukoy na salarin sa Port Area, Maynila kahapon ng umaga.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng nasawi na inilarawan na nakasuot ng puting t-shirt at itim na shorts at tinatayang nasa pagitan ng edad na 30 hanggang 40 taong gulang.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga nang barilin ang biktima habang ito ay nakaupo sa kanto ng Railroad at 12th St., Port Area, Manila.

Rumesponde ang mga tauhan ng istasyon at ina­butan ang biktima na naliligo sa sariling dugo dahil sa tama ng bala sa katawan at wala nang buhay.

CRIME SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with