25 kaso ng polio naitala simula 2019
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula nang ideklarang outbreak noong Setyembre 2019 ay aabot sa kabuuang 25 kaso ng polio ang naitala sa bansa. Ayon kay Department of Health (DOH) immunization program manager Dr. Wilda Silva, 16 sa kabuuang bilang ay mula sa mga “polio cases” o mga pasyenteng mayroon ng kapansanan bago pa dapuan ng nasabing sakit.

“Since September 2019 until June 2020, we have a total of 25 polio infections, 16 of these polio infections are polio cases. So ano po yung kaibahan nun? Kapag sinabi nating polio cases, these are already patients with permanent disabilities,” paglalahad ni Silva.

“Ito po ‘yung nagkaroon na ng pagkaparalisa ng kanilang lower extremities secondary to the polio virus,” dagdag pa nito.

Habang ang siyam naman ay “healthy children without disability” na natamaan ng polio.

Halos lahat ng mga nagpositibo sa polio ay naitala sa mga probinsya ng Mindanao partikular na sa Maguindanao at Sultan Kudarat.

Nabatid na unang umusbong ang nasabing sakit 19 na taon na ang nakalilipas kung saan muli na naman itong lumitaw matapos maitala ang isang kaso sa Lanao Del Sur noong nakaraang taon.

Matatandaang idi­neklara ng World Health Organization (WHO) na polio-free ang bansa noong 2000.

Ngunit aminado si Silva na dahil sa COVID-19 pandemic, naapektuhan ng husto ang kanilang programa laban sa polio kung saan target ang nasa 2.4 milyong mga bata sa Region 4A at sa Region 3.

Maayos naman ang polio immunization sa ibang bahagi ng bansa na hindi gaanong apektado ng pandemya.

POLIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with