Barangay chairman, tresurera buking sa sex live video
Cristina Timbang (Pang-masa) - August 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nauwi sa online sex live video ang isa sanang Zoom meeting ng mga barangay officials sa Dasmariñas City, Cavite matapos mapanood ang pagtatalik ng kapitan at kanyang tresurera ng lahat ng barangay officials kamakalawa.

Nahaharap sa posibleng pagkasibak sa kanyang puwesto si Brgy. Fatima 2, chairman Jesus Estil nang kumalat ang sex video nila ng kanyang tresurera sa loob ng barangay hall.

Nabatid na may nakatakda sanang zoom meeting si Estil at lahat ng opisyales ng barangay ng lungsod para pag-usapan ang COVID-19 cases sa kanilang mga barangay.

Inakala ni Estil ­na­ naka-off ang camera ng kanyang cellphone kaya’t nilapitan nito ang kanyang tresurera at sila ay nagtalik na napanood lahat ng mga opisyales ng barangay ng lungsod.

Nagpetisyon na ang mga residente ng barangay para masibak sa puwesto ang kanilang kapitan.

SEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with