_pang-masa
^

Police Metro

2 suicide bomber sa Jolo blast, kilala na

Doris Franche-Borja - Pang-masa
2 suicide bomber sa Jolo blast, kilala na
Ayon kay PA commander, Lt. Gen. Cirilito Sobejana, kinilala ang mga ito sa alyas na “Nanah”, residente ng Basilan habang ang isa naman ay si “Inda Nay” na residente ng Sulu na nalipat sa Tawi-Tawi.
AFP/Nickee Butlangan

MANILA, Philippines — Nakilala na ng Phi­lippine Army (PA) ang dalawang babaeng suicide bomber na nagdulot ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu na kumitil sa 15 indibidwal at nag-iwan ng higit 70 sugatan.

Ayon kay PA commander, Lt. Gen. Cirilito Sobejana, kinilala ang mga ito sa alyas na “Nanah”, residente ng Basilan habang ang isa naman ay si “Inda Nay” na residente ng Sulu na nalipat sa Tawi-Tawi.

Aniya, si “Nanah” ay asawa ng unang kumpirmadong Pinoy suicide bomber na si Norman Lasuca na nagsagawa ng pag-atake laban sa 1st Brigade Combat Team sa Sulu noong Hunyo 28, 2019 na nag-iwan ng pitong nasawi at 12 sugatan.

Habang si “Inda Nay” naman ay balo ni Islamic State conduit Abu Talha na napatay sa engkuwentro ng 1st Scout Ranger Battalion noong Nobyembre 2019.

Samantala, labis na nanghihinayang si Sobejana sa pagkakapaslang sa apat na sundalo noong Hunyo lalo pa’t ang dalawang suicide bomber ang tinutugis   ng mga ito.

Nabatid na ang dalawang suicide bomber ang target ng mga napatay na sundalo na pinangu­ngunahan ni Maj. Marvin Indammog.

JOLO BLAST PHILIPPINE ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with