^
PhilHealth execs kasuhan na - Senado
Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na kabilang sa mga kasong isasampa sa mga ito ay ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, National Internal Revenue Code, at perjury.
STAR/Geremy Pintolo, file

PhilHealth execs kasuhan na - Senado

Gemma Garcia (Pang-masa) - August 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kaugnay ng mga ire­gularidad sa loob ng Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) ay pinakakasuhan na ng Senado ng malversation ang PhilHealth chief Ricardo Morales at iba pang malalaking opisyal.

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na kabilang sa mga kasong isasampa sa mga ito ay ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, National Internal Revenue Code, at perjury.

Bukod kay Morales, kabilang sa pinakakasuhan ay sina Fund Management Sector senior vice president Renato Limsiaco Jr., senior vice president at chief information officer Jovita Aragona, maging si senior ICT officer Calixto Gabuya Jr.

Malinaw sa imbestigasyon ng senado na ginawa ng mga nasabing opisyal ang malversation nang inimplementa ng mga ito ang interim reimbursement mechanism (IRM) na hindi sinunod ang circular order nito kung saan ang mga pondo ay ibinigay sa mga dia­lysis center, infirmary, at maternity center sa kabila ng kinakahrap ng mga ospital na problema dulot ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Una nang inamin ni PhilHealth senior vice president Atty. Rodolfo Del Rosario Jr. na iligal ang pamamahagi ng mga opisyal sa pondo ng IRM bago ang Hunyo 11.

“Hindi naman ang sinasabi ng Committee of the Whole na huwag na­ting bigyan ng tulong. Ang sinasabi lang, merong ibang program para doon. Sa regular benefit claims dapat nakapaloob ‘yung para sa ibang mga dapat bigyan ng tulong,” pag­wawakas ni Lacson.

PHILHEALTH SENADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with