^
Face shield mandatoryo na sa malls
“Dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishments, gaya po ng mga malls,” ayon kay Sec. Harry Roque.
STAR/Edd Gumban, file

Face shield mandatoryo na sa malls

Malou Escudero (Pang-masa) - August 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi lamang para sa mga public transportation at workplace kundi mandatoryo na rin ang pagsusuot ng face shield sa mga commercial establishments gaya ng mga malls.

Ito ang sinabi ni Pre­sidential spokesperson Harry Roque na ito ang napagkasunduan sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishments, gaya po ng mga malls,” ayon kay Sec. Roque.

Sinasabing Agosto 15 sinimulang ipatupad ang pagsusuot ng face shield sa pagsakay sa pampublikong transportasyon at ni-require ng DTI sa workplaces makaraang isama sa panibagong guidelines ito ng IATF.

Sa harap nito’y mayroon na din umanong mga establisyemento ang nagpatupad na ng ganitong polisiya gaya ng ilang banko at mall na dito ay hindi na nagpapapasok sa mga indibidwal kung walang face shield.

IATF MALLS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with