^
Janitors, sekyu sa public hospital bigyan ng hazard pay
Ito ang hiniling ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa pamahalaan dahil magkakasama sila sa mga medical staff sa mga public hospital kaya maituturing din silang essential personnel na dapat makakuha ng dagdag na sahod mula sa pamahalaan.
STAR/Miguel de Guzman, file

Janitors, sekyu sa public hospital bigyan ng hazard pay

Gemma Garcia (Pang-masa) - August 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bigyan din ng hazard pay ang mga pribadong service provider, janitor, at security guards na nagsisilbi sa pampublikong pagamutan dahil magkatulad sa health frontliners ang panganib na kanilang kinakaharap.

Ito ang hiniling ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa pamahalaan dahil magkakasama sila sa mga medical staff sa mga public hospital kaya maituturing din silang essential personnel na dapat makakuha ng dagdag na sahod mula sa pamahalaan.

Aniya, sa kabila ng kahalagahan ng kanilang trabaho sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), tahimik nilang pinagtitiisan ang minimum pay.

Hinikayat niya ang Department of Health (DOH), Department of Budget and Management, at dalawang kapulungan ng Kongreso na lumikha ng isang pakete upang madagdagan ang kanilang sahod para sa panganib na trabahong kanilang ginagawa.

Iginiit pa ni Recto na ipinakalat ang mga naturang manggagawa ng pribadong kontraktor sa mga pampublikong pagamutan kaya nasadlak sila sa balag ng ala­nganin sanhi ng banta ng virus.

  

HAZARD PAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with