^

Police Metro

Duterte ‘di uurong na maturukan ng ‘Sputnik V’

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Malacañang na hindi umu­urong si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19 vaccine na “Sputnik V” ng Russia.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tanging sinabi lamang ng Pangulo sa Department of Science and Technology (DOST) ay magpapaturok siya pagkatapos ng third stage ng clinal trial na gagawin sa Pilipinas at Moscow.

“Hindi po siya nag-back out kung hindi sinabi lang po ng DOST na ang kauna-unahang pagkakataon na pupuwede siyang magpaturok ay May 1 ‘no, pagkatapos po ng third stage o third phase ng clinical trial na gagawin po dito sa Maynila at sa Moscow,” ani Roque.

Nilinaw ni Roque na ang paghihintay na matapos ang clinical trial ay hindi nangangahulugan na umuurong na ang Pangulo.

Matatandaan na mismong ang Pangulo ang nag-anunsiyo sa publiko na siya ang unang magpapaturok ng bakuna ng Russia.

vuukle comment

COVID-19

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with