^

Police Metro

32 health workers ng OsTon, sapul sa COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinasara ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang Ospital ng Tondo (OsTon) makaraang tamaan ng COVID-19 ang may 32 health care workers dito.

Ayon kay Domagoso, inaprubahan nito ang kahilingan ng pamunuan ng (OsTon) na pansamantalang ipasara ito sa loob ng 10 araw makaraang magpositibo ang ilan sa mga doctor at nurse ng nasabing pampublikong pagamutan.

“So para maka-relax, ma-ease the burden na ang pasyente ay doctor na rin, pasyente ay nurse na rin at mabigyan sila ng panahon na maka-reco­ver… at makapagpahinga na rin,” ani Domagoso.

Giit ni Domagoso, ang mga pasyente na kasalukuyang naka-confine sa OsTon, kabilang na ang COVID-19 patients, ay patuloy na bibigyan ng serbisyong medikal ng mga kawani ng ospital.

Sa pansamantalang pagsasara ng nasabing ospital, tanging ang mga “emergency situations” lamang ang kanilang tatanggapin, habang ang mga nais magpakonsulta o magpatingin sa mga doctor ay pinayuhan na magtungo na lamang sa lima pang pampublikong ospital ng Maynila.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with