NCR posibleng isailalim na sa GCQ; COVID-19 cases bumababa
MANILA, Philippines — Kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 cases ay umaasa si Metro Manila Council chairperson Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na isasailalim na ang National Capital Region sa general community quarantine (GCQ).
Kinumpirma ni Olivarez na ang implementasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila ay naging epektibo.
“Kung magtutuloy ‘tong trend natin mula pa noong August 4, most probably magdyi-GCQ na tayo,” aniya.
Iniulat din nito ang pagbaba ng kaso sa Parañaque City mula 876 noong August 4 hanggang sa 651.
“Ngayon po ang data namin kahapon, 651 po ang aming active cases, after ng nine to 10 days ng ating MECQ,” paliwanag pa nito.
- Latest