^

Police Metro

Pinas pinag-iingat sa Russian vaccine - FDA

Danilo Garcia - Pang-masa
Pinas pinag-iingat sa Russian vaccine - FDA
Ayon sa World Health Organization (WHO) nasa Phase 1 pa lamang ng clinical trials ang Sputnik V vaccine na inaprubahan na ng Russia. Kung sasailalim sa Phase 3 ng clinical trials, nangangailangan ito ng mula 15,000 hanggang 30,000 kalahok na tatagal ng dalawa hanggang talong buwan.
AFP/Andrew Caballero-Reynolds, file

MANILA, Philippines — Kailangan ng ibayong pag-iingat at magdahan-dahan sa paglahok sa clinical trials ng nilikhang anti-COVID-19 vaccine ng Russia dahil sa umiiral na takot sa bakuna ng publiko.

Ito ang paalala ni Food and Drugs Autho­rity (FDA) Director Ge­neral Eric Domingo na kailangang maibalik ang pagtitiwala ng publiko sa bakuna na naapektuhan ng isyu ng Dengvaxia na itinuturo na dahilan ng pagkamatay ng ilang bata.

Ngunit hindi naman dapat ikumpara ang Dengvaxia dahil sa magkaiba naman ang Dengue na taun-taon nangyayari habang pandemya naman ang kinakaharap ngayon kung saan mas kailangan ng mabilisang solusyon.

Ayon sa World Health Organization (WHO) nasa Phase 1 pa lamang ng clinical trials ang Sputnik V vaccine na inaprubahan na ng Russia. Kung sasailalim sa Phase 3 ng clinical trials, nangangailangan ito ng mula 15,000 hanggang 30,000 kalahok na tatagal ng dalawa hanggang talong buwan.

Sinabi ni Domingo na bagama’t hindi karaniwang ginagawa, may karapatan naman ang Russia na laktawan ang Phase 3 ng clinical trials at agad na gamitin ito sa kanilang militar.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with