^

Police Metro

WHO pag-aaralan ang bisa ng Russian vaccine

Danilo Garcia - Pang-masa
WHO pag-aaralan ang bisa ng Russian vaccine
Tinawag ang bakuna na “Sputnik V vaccine” na nilikha ng Gamaleya research institute sa koordinasyon ng Defence Ministry ng Russia.
AFP/Dmitry Kurakin/Russia's Health Ministry

MANILA, Philippines — Nais munang pag-aralan ng World Health Organization (WHO) ang pagi­ging epektibo at ligtas ng bakuna na nalikha ng Russia bago nila aprubahan ito.

“We are in close contact with the Russian health authorities and discussions are ongoing with respect to possible WHO pre-qualification of the vaccine,” ayon kay United Nations spokesman Tarik Jasarevic.

Tinawag ang bakuna na “Sputnik V vaccine” na nilikha ng Gamaleya research institute sa koordinasyon ng Defence Ministry ng Russia.

Nabatid na may 28 bakuna ang dini-debelop sa mundo kung saan anim na ang nasa Phase 3 ng clinical trials.  Ang Sputnik V ng Russia ay nasa Phase 1 pa lamang umano ng clinical trials.

Sinabi ni Jarasevic na may proseso para sa pre-qualification ng mga bakuna ang WHO na kailangang makuha ng mga manufacturers para magkaroon ng ‘stamp of quality’.

Bukod dito, may kaniya-kaniya ring regulatory agencies ang mga bansa na lokal na mag-aapruba ng mga bakuna at gamot sa loob ng kanilang mga teritoryo.

Dahil dito, hindi umaasa ang Department of Health (DOH) na magkakaroon na ng bakuna sa Disyembre.

Related video:

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with