^

Police Metro

Mga empleyado obligadong mag-face shield

Danilo Garcia - Pang-masa
Mga empleyado obligadong mag-face shield
Kabilang sa panukala na kailangang sagutin ng mga employers o may-ari ng mga kum­panya ang face shields na gagamitin ng kanilang mga tauhan. Papatawan ng parusa ang mga hindi susunod sa bagong protocol.
AFP/Ted Aljibe, file

MANILA, Philippines — Bilang isang hakbang pa para mapigil ang pagtaas ng kaso ng CO­VID-19 sa bansa ay ipinanukala ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary  Silvestre Bello III na gawing mandatory ang pagsusuot hindi lang ng face mask kundi maging face shields sa mga empleyado sa kanilang mga workplaces tulad ng mga opisina at pabrika simula sa Sabado.

Kabilang sa panukala na kailangang sagutin ng mga employers o may-ari ng mga kum­panya ang face shields na gagamitin ng kanilang mga tauhan. Papatawan ng parusa ang mga hindi susunod sa bagong protocol.

Una nang naglabas ng kautusan ang Department of Transportation (DOTr) ng mandatory na pagsusuot ng face shield habang nasa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi dapat tataas sa P50 kada piraso ang presyo ng ordinar­yong face shield na nagkalat ngayon sa merkado kaya’t nakikipag-ugna­yan na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) para maglabas sila ng SRP (suggested retail price).

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with