^

Police Metro

P18 bilyong nalalagas kada araw ng MECQ sa NCR

Pang-masa
P18 bilyong nalalagas kada araw ng MECQ sa NCR
Sa ilalim ng MECQ ay limitado pa rin ang pagbubukas ng komersiyo habang tigil din ang operasyon ng pampublikong transportasyon na ang tinatamaan ay mga tsuper ng jeep.
Via The STAR/Roel Pareño, file

MANILA, Philippines — Kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region ay hindi na naitago pa ng Malacañang ang kaakibat na negatibong epekto nito sa kabila ng wala pa namang pasya kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad pagkatapos ng  Agosto 18.

Ito ang sinabi ni Pre­sidential spokesperson Harry Roque, dito pa lamang sa Metro Manila ay nasa P18 bilyong piso na ang nawawala sa kada araw dahil sa MECQ.

Bagama’t mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagsabing ang pinakamabisang paraan para mapababa ang numero ng virus ay patagalin ang MECQ o kaya ang ECQ, hindi na aniya talaga kakayanin pa ito ng ekonomiya.

Sa ilalim  ng MECQ ay limitado pa rin ang pagbubukas ng komersiyo habang tigil din ang operasyon ng pampublikong transportasyon na ang tinatamaan ay mga tsuper ng jeep.

Giit ni Sec. Roque, kailangang magtrabaho para mabuhay na siya namang ginagawa na rin ng iba pang mga bansa.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with