Duterte ‘di makikialam sa Echanis slay probe
MANILA, Philippines — Nilinaw ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon sa pagpatay kay National Democratic Front (NDF) consultant Randall Echanis.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipapaubaya na lamang ng Pangulo sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagpatay kay Echanis.
Nabatid na ito ang pahayag ng Malacañang makaraang hinimok ng asawa ni Echanis na si Erlinda na tumulong ito sa kaso ng NDF consultant.
Matatandaang natagpuang patay si Echanis at ang kapitbahay nitong si Louie Tagapia sa tinitirahan nilang bahay sa Novaliches, Quezon City na agad namang itinanggi ng Quezon City Police District at sinabi ang namatay ay si Manuel Santiagoso base sa mga nakitang ID sa crime scene.
- Latest