Metro Manila hindi pa puwedeng ibalik sa GCQ — Lorenzana
MANILA, Philippines — Biglang kumambiyo si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagsasabing hindi pa dapat na ibalik sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ang bagong paghayag ni Lorenzana na chairman ng Inter-Agency Task Force ay dahil sa biglang sirit ng kaso ng coronavirus cases.
Magugunitang kahapon ay naitala ang single highest increase ng COVID-19 case na 6,958.
Dahil sa halos 7,000 bagong kaso ng coronavirus, naniniwala ang kalihim na maaaring mapalawig ang umiiral na modified enhanced quarantine community o MECQ.
Magugunita na Lunes nang sabihin ni Lorenzana na dahil sunud-sunod ang pagbaba ng virus cases ay maaari nang luwagan ang galaw ng publiko.
- Latest