^

Police Metro

Duterte: Wala na akong pera!

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Ubos na ‘yung pera na binigay ng Congress. Nabigyan kayo ng ayuda, ‘yung pera panggastos. Wala na ako niyan. Sabi, on your own ka? Totoo. Kailangan lumabas ka para maghanapbuhay para makakain.”

Ito ang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala na siyang pera para ibigay pa sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Inamin rin ng Pangulo na nahihirapan siyang balansehin ang kagustuhan ng mga doktor na pigilan ang paglabas ng mga tao upang mapabagal ang pagkalat ng virus at ang pangangailangan na magtrabaho para sa ekonomiya.

“Ito ang dilemma ko, dito ako between the devil and the deep blue sea. Gusto ng mga doktor na i-lockdown kung may mga infected diyan. The percentage of the people affected in the community is not given any figure kung ilan sila,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na pinagbigyan niya ang kagustuhan ng mga doctor, pero ipinahiwatig na posibleng “bitawan” din niya ang naging desisyon.

Huwag na aniyang masorpresa kung tataas pa ang kaso ng COVID-19 dahil sa mga taong hindi naniniwala at patuloy na lumalabas ng tahanan.

vuukle comment

COVID-19

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with