^

Police Metro

5 NPA, 1 sundalo at 1 sibilyan, utas sa sagupaan

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang miyembro ng New People’s Army (NPA), 1 sundalo at isang sibilyan ang nasawi sa naganap na sagupaan kamakalawa ng umaga sa Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Dalawa sa mga nasawi sa mga rebelde ay isang amasona na nakilalang si Ka Maymay; at alyas Rolando Marvil, na kilala bilang Ka Eugene, habang inaalam pa ang tatlong iba pa na pawang mga miyembro ng Kilusang Larangang Guerilya – Southern Ilocos Sur (KLG-SIS).

Nasawi rin ang isang sundalo na hindi pa muna pinangalanan at isang sibilyan na magsasaka matapos mapagkamalan umano ng mga rebelde na kalaban.

Sa ulat, alas-2:00 ng hapon noong Sabado nag-umpisa ang sagupaan sa pagitan ng 702nd Infantry Brigade (702nd IB) ng Philippine Army sa tinatayang 15 mga miyembro ng KLG-SIS na pinamumunuan naman ng isang Ronnie Garvida alyas ka Nero sa Barangay Suagayan sa bayan ng Sta. Lucia at natapos kinaumagahan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with